Isa sa katangi-tanging pamaraan ng pasada na makikita lamang sa pilipinas ay ang jeep. Mayroon ring jeep sa ibang bansa pero hindi kagaya nang jeep sa pilipinas na ginagawang pamasada. Ang jeepney ng Pilipinas ay makukulay at balut na balot ng mga imahe.
Pinagmulan
Ang Jeepney na pamasada ay unang ginawa mulas sa mga lumang jeepney na pang-militar na iniwan ng mga Amerikano nang umalis sila pagkatapos ng World War II. Ginawang pampasada ang mga ito para hindi masayang dahil luma na nga ito para gamitin na pampribadong transportasyon. Ang jeep ay mabilis na lumabas bilang isang murang paraan ng pasada. "Pinoy Pride"
Ang jeepney ay simbolo na nang ating kultura dahil pinapakita nito ang dalawang katangian na hawak ng bawat pinoy; ang pagiging malikhain mula sa kagamitan na hindi na magagamit sa tingin ng iba at ang kahiligan na pagandahin ang mga bagay gamit ang magaling na imahinasyon. Ang Jeepney ay nagbibigay ng madali at murang transportasyon, para sa libu-libong pinoy. Kahit ngayon ay ginagamit parin ito dahil sa kamurahan ng pamasada. Ang mga Jeepney ay nakikita natin araw araw sa mga lansangan dahil sa dami ng mga namamasada. Sila'y parang mga dumadaloy na imahe at kulay sa daan. Magaganda at malikhain ang iba't ibang disenyo. Nandirito parin ang mga jeepney na ito dahil bahagi na ito ng ating kultura. Pinoy na pinoy ang mga jeepney kaya nakikita ito bilang laruan na souvenir para sa mga turistang dumarating.
JEEPNEY
Isa sa katangi-tanging pamaraan ng pasada na makikita lamang sa pilipinas ay ang jeep. Mayroon ring jeep sa ibang bansa pero hindi kagaya nang jeep sa pilipinas na ginagawang pamasada. Ang jeepney ng Pilipinas ay makukulay at balut na balot ng mga imahe.
Pinagmulan
Ang Jeepney na pamasada ay unang ginawa mulas sa mga lumang jeepney na pang-militar na iniwan ng mga Amerikano nang umalis sila pagkatapos ng World War II. Ginawang pampasada ang mga ito para hindi masayang dahil luma na nga ito para gamitin na pampribadong transportasyon. Ang jeep ay mabilis na lumabas bilang isang murang paraan ng pasada.
"Pinoy Pride"
Ang jeepney ay simbolo na nang ating kultura dahil pinapakita nito ang dalawang katangian na hawak ng bawat pinoy; ang pagiging malikhain mula sa kagamitan na hindi na magagamit sa tingin ng iba at ang kahiligan na pagandahin ang mga bagay gamit ang magaling na imahinasyon. Ang Jeepney ay nagbibigay ng madali at murang transportasyon, para sa libu-libong pinoy.
Kahit ngayon ay ginagamit parin ito dahil sa kamurahan ng pamasada.
Ang mga Jeepney ay nakikita natin araw araw sa mga lansangan dahil sa dami ng mga namamasada. Sila'y parang mga dumadaloy na imahe at kulay sa daan. Magaganda at malikhain ang iba't ibang disenyo.
Nandirito parin ang mga jeepney na ito dahil bahagi na ito ng ating kultura. Pinoy na pinoy ang mga jeepney kaya nakikita ito bilang laruan na souvenir para sa mga turistang dumarating.
http://www.stuartxchange.org/Jeepney.html
http://www.blancsablon.com/Philippines/jeepney/philippine-jeepney-history.html